GENERAL SANTOS CITY – Naiuwi na sa Sarangani nitong Sabado ang mga labi ng boksingerong nasawi na si Kenneth Egano.
Malungkot na sinalubong ng ilang kaanak at kaibigan ang labi ni Kenneth Egano, ang 22-anyos na boksingero na nasawi noong May 10 ng hapon.
Mga kasama niya sa boksing ang nagbuhat ng kahon kung saan nakasilid ang labi ni Egano.
Ang kanyang tito, halos mawalan na ng malay sa kaiiyak habang hawak ang kahon na isinakay sa pickup truck na magdadala sa kanyang bahay sa Malungon, Sarangani.
Pinoy boxer passes away after falling into coma
Kasama sa eroplano ang mga magulang ni Egano, na hindi pa rin matanggap ang nangyari sa kanilang anak.
Naiyak naman ang pinsan ni Egano na labis na nasaktan sa nangyari.
“Mapag alaga po siya, para na namin siyang kapatid,” sabi ni Janet Mangubat, pinsan ni Egano.
Hindi naman natatakot na magpatuloy sa pagboboksing si Nico Laico Ramos na kasama ni Egano sa kabila ng nangyari sa kaibigan.
“Tuloy pa rin maam. Gagawin naming inspirasyon si Kenneth,” ayon kay Ramos, kasamang boksingero ni Egano.
Boxing: Casimero vows stoppage victory in May 13 bout
Diniretso na ang labi ni Egano sa Sarangani gamit ang mga sasakyan ng LGU Malungon.
Bukod sa pamunuan ng Blow by Blow Promotions, buhos din ang tulong ng lokal na pamahalaan sa naiwang pamilya ni Egano.